‘Panyo’
(PART 7)
PAGDATING sa bahay ay kinuha ko sa bulsa ng aking pantalon ang puting panyo na napulot ng tsinitang estudyante.
Ganun na lamang ang aking pagkagulat sapagkat hindi ko ito panyo. Iba kaysa aking mga panyo na regalo pa ni Tita.
Para makatiyak, hinalughog ko ang aking bulsa.
Tama ang aking hinala na hindi ko panyo ang ibinigay ng babaing estudyante. Mukhang mamahalin ang panyo na napulot ng babae na nahulog daw mula sa bulsa ko.
Ininspeksiyon ko ang panyo. Bagumbago pa dahil may nakadikit pang label. Maayos din ang pagkakatiklop.
Hindi ko muna sinabi kay Tita ang tungkol sa panyo. Saka ko na lang sasabihin.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Hindi dahil may exam ako kundi para abangan ang tsinitang estudyante na nagbigay sa akin ng puting panyo. Isasauli ko.
Nag-abang ako sa mismong spot na nagkita kami kahapon.
Pero hindi ko siya nakita.
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa na makikita ang babae.
(Itutuloy)
- Latest