^

Punto Mo

‘Panyo’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Tinupad ni Tita ang ­pa­ngako sa akin na ibibili ako nang maraming panyo sa Divisoria. Napansin kasi niya na mahilig ako sa panyo.

Ilang box ng panyo ang binili niya sa akin na ng mga panahong iyon (dekada 80s) ay mura pa ang halaga.

“O eto ang mga panyo mo—magsasawa ka!” sabi ni Tita.

“Salamat po Tita.’’

“Bakit nga ba nahumaling ka sa panyo? Ngayon lang ako nakarinihg na may taong ­sobrang hilig sa panyo.’’

“Hindi ko nga alam Tita. Basta naramdaman ko na lamang na gusto ko na maraming koleksiyon ng panyo.’’

“Talaga?’’

Ikinuwento ko kay Tita na nakipag-away ako dahil sa panyo.

“Ang dami mo palang karanasan dahil sa panyo, ha-ha-ha!’’

“Oo nga po!’’

ISANG umaga na naglalakad ako patungong unibersidad. Nagmamadali ako dahil mali-late na. Terror pa naman ang propesor sa unang subject.

Nakatawid na ako sa kabila ng kalsada nang may tumawag sa akin. Nang lingunin ko, isang babae. May hawak na panyo.

“Mister nahulog itong panyo mo!”

(Itutuloy)

PANYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with