(Part 4)
Mula noon, hindi na ako pinagamit ni Nanay ng pink na panyo. Pawang asul at puti na panyo ang pinababaon sa akin ni Nanay sa school.
Mula naman nang mangyari ang pakikipag-away ko sa classmate na bully, hindi na niya ako pinagtangkaan pang i-bully muli. Tumiklop siya sa akin. Dahil sa nangyari, tumino ang kaklase ko at naging tahimik na.
Nang makatapos ako ng high school ay sa Maynila na ako nag-aral. Tumira ako sa aking tiyahin sa Sampaloc.
Mabait ang aking tita at maasikaso sa akin. Dalawa ang anak ni Tita na ang isa ay kasing-edad ko (lalaki rin) at sa iisang unibersidad kami nag-aaaral. Mula sa bahay ay naglalakad lamang kami ng aking pinsan patungong unibersidad.
Kahit nasa kolehiyo na ako, naroon pa rin ang pagkahumaling ko sa panyo.
Napansin iyon ni Tita. Bakit daw ang dami kong panyo?
Ipinaliwanag ko kay Tita na nasa elementarya at high school pa lang ako, mahilig na ako sa panyo.
“Ganun ba? Sige at pagpunta ko sa Divisoria, ibibili kita nang maraming panyo.”
Tuwang-tuwa ako.
(Itutuloy)