7 bagay na nagpapaikli ng buhay (Last of 2 parts)
AYON sa mga researcher, narito ang mga bagay na nagko-contribute upang umikli ang buhay ng isang tao:
4. Mas madalas sumakay sa eroplano, mas umiikli ang buhay. Ang cosmic radiation mula sa araw at mga bituin ay walang tigil na bumabagsak sa lupa. Ang unang tatamaan nito bago bumagsak sa lupa ay ang mga sasakyang nasa itaas kagaya ng eroplano.
Ayon sa radiation expert na si Robert J. Barish, ang mga taong nagbibiyahe sa himpapawid ng higit sa dalawang beses sa loob ng isang taon ay maihahalintulad na sa isang radiation worker dahil ang pagkakalantad niya sa radiation ay mas malala pa sa isang trabahador na humahawak ng radioactive equipment.
Ayon sa statistics, karamihan sa mga piloto at flight attendants ay kanser ang ikinamamatay. Requirement sa mga airlines sa Europe na ipagtapat sa kanilang crew members ang panganib ng in-flight radiation. Pero ang US ay tahimik lang tungkol sa katotohanang ito as if harmless ang cosmic radiation.
5. Nakatira sa mababang lugar. Sa apat na taong pag-aaral na isinagawa sa US, napatunayang mas mataas ang life expectancy ng mga nakatira sa matataas na lugar kagaya ng Utah at Colorado kaysa mga nakatira malapit sa sea level.
Kakaunti ang oxygen sa mataas na lugar ngunit ito ay advantage sa katawan. Mas kakaunti ang oxygen, mas nakakapagtrabaho nang maayos ang ating mga katawan na nagiging dahilan ng paghaba ng buhay.
6. Hindi palasimba at paladasal. Kapag palasimba ang isang tao, ang tendency niya ay lumayo sa bisyo upang maging karapat-dapat siya sa pagpapala ng Diyos. At kapag mataas ang pananampalataya, hindi sila masyadong nai-stress dahil ipinababahala na nila sa Diyos ang solusyon ng kanilang problema.
7. Nagreretiro nang maaga sa trabaho. Ang prinsipyo ng katawan: Nanghihina ang katawan kapag walang ginagawa. Kaya mas mainam na panatilihin itong abala sa mga gawain upang lumakas ang resistensiya sa infection at iba pang sakit.
- Latest