^

Punto Mo

‘Rebentador’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

INAAMIN ko masyadong malakas ang aking loob sa pagpapaputok ng rebentador. Kung ang ibang kaba­taan na kasing edad ko ay mahina ang loob sa pagsisindi ng rebentador, ako ay hindi. Wala akong takot.

Natatandaan ko, hahawakan ko ang rebentador sa pinakadulo nito at saka sisindihan. Kapag malapit na malapit nang maubos ang mitsa, saka ko bibitawan. Wala namang nangyayari sa akin. Buo pa rin ang daliri ko. Hindi rin ako nasasabugan sa mukha.

Ang lahat nang kapangahasan ko ay lingid sa aking­ magulang. Kahit na madalas silang nagpapaalala ay hindi­ ko sinusunod ang payo. Medyo may katigasan ang aking ulo noon. Lagi kong sinasabi na walang mangyayari sa akin sa pagpapaputok.

Hanggang sa magyari ang hindi ko malilimutang karanasan. Bisperas ng Bagong Taon.

Inipon ko ang mga rebentador at inilagay sa isang basyong lata ng gatas. (Itutuloy)

NEW YEAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with