^

Punto Mo

Engagement photo shoot sa Utah, nauwi sa paghahanap ng nawalang singsing

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGMISTULANG kakaibang adventure ang engagement photo shoot ng magkasintahang Kim Zaw, 33, at Phil Mui, 34, sa Park City, Utah, matapos mawala ang singsing sa gitna ng niyebe.

Ayon sa photographer nilang si Sabrina Boehlke, napansin niyang nawawala ang singsing sa daliri ni Zaw habang kinukunan sila ng litrato.

“Nagsisimula pa lang ang shoot, tapos biglang nawala ang singsing,” kuwento ni Mui. “Agad kaming nag-panic dahil mahirap itong mahanap sa gitna ng snow”

Halos dalawang oras nilang hinanap ang singsing kasama ang kanilang photographer at ilang mga dumaan na tumulong. Dumating pa ang Park City Ski Patrol na may dalang metal detector upang makatulong.

Sa kabila ng hirap, si Mui rin mismo ang nakakita ng singsing na kumikislap sa ilalim ng niyebe.

“Nang sumigaw si Phil ng ‘Nakita ko na!’ parang lumipad ako sa tuwa at naiyak na lang ako sa sobrang saya,” sabi ni Zaw.

Ang insidenteng ito ay nagpaalala sa isang katulad na pangyayari kamakailan sa Cleveland, kung saan kinailangan pa ng mga bumbero upang mabawi ang isang engagement ring na na­hulog sa drainage habang may photo shoot sa Cultural Gardens sa University Circle.

Ang nakatutuwang kuwento nina Zaw at Mui ay nagpaalala na kahit sa gitna ng mga hindi inaasahang aberya, ang pagma­mahalan at pagtutulungan ang pinakamahalaga.

 

WEDDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with