Ang apat na asawa

May isang mayaman lalaki na apat ang asawa. Sa apat na asawa, si 4th wife ang pinakagusto niya kaya’t ito ang lagi niya ibinibili ng mga alahas, damit at kung anu-ano pang luho sa katawan. Alagang-alaga niya si 4th wife.

Mahal din niya si 3rd wife. Very proud siya kay 3rd wife pero nag-aalala siya na baka manlalaki ito at iwan siya.

Love din niya si 2nd wife dahil kapag may problema siya ay ito ang kanyang tagapayo at tagaaliw.

Ang 1st wife ang pinakatapat na asawa niya. Ito ang namamahala ng kanyang kayamanan, negosyo at nag-aasikaso ng kanilang tahanan. Hindi niya mahal si 1st wife kaya hindi niya inaasikaso kagaya ng ibang tatlong asawa.

Nagkasakit ang mayamang lalaki at ngayon ay naghihingalo. Bago malagutan ng hininga ay tinanong niya isa-isa ang mga asawa ng—Kapag namatay ako, handa ka bang sumama sa akin sa kabilang buhay?

Sagot ng 4th wife: “No way!”

Sagot ng 3rd wife: “Ayoko nga! Mag-aasawa akong muli ‘pag namatay ka.”

Sagot ng 2nd wife: “Makikipaglibing ako sa iyo pero hanggang doon lang ang magagawa ko.”

Hindi pa natatanong ang 1st wife ay umiiyak itong yumakap sa asawa. Payat na payat ito dahil sa pag-aalaga sa asawa. “Mahal na mahal kita at nakahanda akong sumama sa iyo  hanggang sa kabilang buhay.”

Napaluha ang negosyante. “Sana ay hindi kita pinabayaan, nagsisisi ako.”

Lahat tayo ay may apat na asawa.

4th wife: Simbolo ng ating katawan. Gumagastos tayo sa pagpapaganda pero kapag namatay ay maaabo din ito.

3rd wife: Simbolo ng ating ari-arian/kayamanan. Kapag tayo’y namatay ay mapapasakamay ito ng ibang tao.

2nd wife: Simbolo ng ating kaibigan/kamag-anak. Dinamayan nila tayo sa problema ngunit kapag tayo’y namatay ay hanggang sa sementeryo lang nila tayo maihahatid at hindi masasamahan hanggang sa kabilang buhay.

1st wife: Simbolo ng ating kaluluwa. Ito ang madalas na napapabayaan nating paunlarin dahil busy tayo sa pagpapayaman at sa ibang makamundong pangangailangan, samantalang kung tutuusin, ito ang kasama natin hanggang sa kabilang buhay.

Show comments