Tips mula sa isang bilyonaryo

Tungkol sa kinikita:

Huwag umasa sa iisang source of income. Mag-ipon upang magkaroon ng puhunan sa ikalawang pagkakakitaan.

Tungkol sa Paggasta:

Kung bili ka nang bili ng mga bagay na hindi mo masyadong kailangan, darating ang araw na ipagbibili mo naman ang mga bagay na mahalaga sa iyo.

Tungkol sa pag-iipon:

Kadalasan, ang inilalagay natin sa ating savings ay ‘yung natira pagkatapos gumasta.  Ang mas mainam ay unahin ang paglalagay ng pera sa banko. At kung magkano lang ang matira ay iyon lang ang gagastusin.

Kung makikipagsapalaran sa negosyo:

Isang paa lang ang iyong gagamitin sa pagtesting kung gaano kalalim ang ilog. Delikado kung dalawang paa, tuluy-tuloy kang lulubog kung malalim pala ito. Ang negosyo ay parang sugal. Kailangan mo ring tumaya para manalo. Pero sa pagtaya mo, hinay-hinay lang. Huwag mong itotodo ang iyong pera kung hindi ka sigurado sa isang papasukang negosyo.

Expectation mo sa mga taong nasa paligid mo:

Ang katapatan ay isang napakamahal na regalo. Huwag mo itong asahan sa mga taong “cheap” ang  uri ng pagkatao.

(Ang tips na ito ay mula kay Warren Edward Buffett, 94 years old, American business magnate, investor, at philanthropist. Siya ang kasalukuyang chairman at CEO ng Berkshire Hathaway. Ang net worth niya sa kasalukuyan ay $138 billion).

Show comments