^

Punto Mo

PNP, tutok sarado sa online selling ng bawal na paputok!

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

HABANG papalapit ang pagsalubong ng Bagong Taon, hinigpitan ng Philippine National Police ang kanilang crackdown laban sa mga nagbebenta online ng mga bawal na paputok. Isiniwalat ng PNP Anti-Cybercrime Group na umaabot na ang na-take down nila sa 115 social media platforms, at 59 dito ay sa Facebook, 54 sa X (twitter) at tig-isa sa website at Spotify.

Hindi lang ‘yan, ayon kay ACG public information officer Lt. Warren Arancillo may minomonitor pa silang 208 platforms. Sa isang press briefing, sinabi ni ACG chief Brig. Gen. Bernard Yang na may naaresto na ang kanyang tauhan na sampu katao na nagbebenta ng bawal na paputok online, at lahat sila ay haharap sa kaukulang multa at kaparusahan.

Hayan, mga gustong kumita ng malaking halaga sa pagbebenta online ng bawal na paputok, tumigil na kayo kung ayaw n’yong magselebra ng New Year sa kulungan. Ano pa nga ba! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hindi lang pagbebenta ng bawal na paputok ang tinututukan ng mga operatiba ni Yang kundi maging ‘yung naglalako rin online ng “boga”. Wala pang alam si Yang kung merong online tutorial patungkol sa paggamit ng boga, na kapag hindi maayos ang paggamit ay nakakasugat din.

“Well, from the very start naman ‘yung ACG, ‘yung cyber patrolling ay tuluy-tuloy naman ‘yung kanilang pagpapatrolya on the cyberspace to just monitor not only dito sa mga boga kundi lahat ng illegal na nangyayari dito online,” ani Yang.

“Well titingnan natin kung meron violation itong mga nagpapakita dito ng mga tutorial online (sa boga). Hahanapan natin ng paraan ano ba talaga ang violation,” ang dagdag pa ni Yang na nangakong kapag may nakitang paglabag, ay mag-request ang ACG na i-take down ito. Eh di wow! Ang sakit sa bangs nito!

Mahigpit ang paalala ni Yang sa mga Pinoy ang pagbebenta online ng bawal na paputok. “Alalahanin natin na ito ay paglabag sa ating batas at my kaakibat na fines and imprisonment,” aniya. Ang payo naman ni Yang sa komunidad ay ang agarang pagreport ng mga nagbebenta ng bawal na paputokl sa PNP ACG dahil malaki ang posibilidad na maging sila ay magiging casualty pa sa darating na New Year revelry. Get’s n’yo mga kosa? May punto si Yang dito ‘no?

Ang paghihigpit ng ACG sa pagbebenta ng bawal na paputok ay alinsunod sa kautusan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na pababain ang bilang ng casualty sa pagsalubong ng Bagong Taon. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nang tanungin kung ang mga riders na ginagamit ng online sellers ay may liability din kapag nahuli, sinabi ni Yang na pag-aralan ng ACG ang sitwasyon.

“Well iimbestigahan natin dahil alam naman natin na riders ay hanapbuhay lang din yun. Kung hindi naman talaga sila kasabwat doon sa pagbebenta, sila ay parang walang pinagkaiba yan sa mga ibang binibenta. Iba ibang mga binibenta online at sila naman ay napag uutusan lang din ng mga kababayan natin na magdala ng mga bilihin,” ani Yang. Hehehe! Kanya-kanyang dahilan lang ‘yan!

Nanawagan pa si Yang sa mga Pinoy na ‘wag na gumamit ng paputok, at imbes ay manood na lang ng New Year countdown dahil kanya-kanyang selebra ang mga siyudad sa Metro Manila nito. Dipugaaa! Sumunod na lang tayo mga kosa para iwas landing sa ospital. Abangan!

FIRECRACKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with