^

Punto Mo

Mayang (88)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG masayang nag-uusap sina Jeff at Mayang, may kumatok sa pinto.

Si Mayang ang tumayo at binuksan ang pinto.

“Lolo Nado! Halika po pasok!’’

Pumasok ang matanda.

“Okey na ba kayong dalawa ni Jeff?’’ tanong ng matanda.

“Okey na po, Lolo. Salamat po.’’

Tumayo si Jeff at nilapitan si Lolo Nado. Niyakap ito.

“Salamat Lolo sa tulong mo.’’

“Walang anuman. Di ba sabi ko sa’yo nun, kapag nalaman ko kung nasaan si Mayang e sasabihin ko sa iyo.’’

“Opo. Hindi ko malilimutan ang sinabi mo Lolo.’’

Binalingan ni Jeff si Mayang.

“Alam mo ba Mayang na si Lolo Nado ang nakaharap ko nang puntahan kita sa bahay n’yo sa Socorro? Pinakain niya ako at pinatulog sa bahay n’yo.’’
“Oo. Ikinuwento sa akin ni Lolo. Sinabi niya sa akin ang mga ginagawa mong paghahanap.’’

“Ibig mong sabihin, noon pa ay talagang alam na ni Lolo ang tirahan mo?”

“Oo. Nakiusap ako sa kanya na huwag sasabihin sa iyo. Gusto kong ma-test ka kung talagang hahanapin mo ako—at totoo ang sinabi mo—hindi ka tumigil sa paghahanap.’’

Nagpaumanhin si Lolo Nado kay Jeff.

“Pasensiya ka na Jeff sa pagsisinungaling ko tungkol kay Mayang.’’

“Okey lang yun Lolo. Wala kang dapat ihingi ng paumanhin sa akin.’’
“Salamat Jeff. Natutuwa naman ako at nagkita na kayo. Buung-buo na ang pamilya n’yo.’’
“Oo nga po Lolo—ako ang pinakamasayang lalaki sa mundo!’’

“Ipagdarasal ko kayo na lalo pang gumanda at tumagal ang inyong pagsasama.’’
“Salamat po.’’

DINALA ni Jeff sa Maynila sina Mayang at Jeffmari. Una muna niyang dinala sa condo unit ang mag-ina. Tuwang-tuwa si Jeffmari sa condo. Tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang kapaligiran sa bintana.

Pagkatapos ay kumain sila sa isang sikat na restawran sa mall. Umorder siya nang maraming pagkain. Tuwang-tuwa si Jeffmari. (Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with