^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakumpiskang shabu sirain na agad-agad

Pang-masa
EDITORYAL - Nakumpiskang shabu sirain na agad-agad

NGAYONG 2024, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nakakumpiska sila nang mahigit P20 bilyong halaga ng illegal drugs. Nangunguna sa mga drugs na nakumpiska ang shabu, marijuana, ecstasy, cocaine, ketamine at kush. Sa drug operations sa buong bansa, nakaaresto ang PNP ng 57,129 na personalidad at kinasuhan na umano nila. Mula Enero 1 hanggang Disyembre 15 ng taong kasalukuyan, nakapagsagawa ang PNP ng 46,821 anti-drugs operations. Sabi ni PNP chief Gen. Rommel Marbil, ang kanilang maigting na drug operations ang dahilan kaya matagumpay ang kampanya laban sa illegal na droga.

May katwirang magsaya si Marbil sapagkat malaki naman talaga ang volume ng droga na kanilang nakumpiska ngayong taon. Sa matagumpay na pagkakakumpiska ng P20 bilyong halaga ng shabu ngayong taon na ito, maraming kabataan at propesyunal ang nailigtas sa pagkalulong sa illegal na droga. Mabigat ang problema ng bansa na may kaugnayan sa droga.

Noong nakaraang taon, sinabi ng Malacañang na P10.41 bilyong halaga ng illegal drugs ang nakum­piska ng gobyerno mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2023. Umabot naman sa 27,000 barangays ang nalinis sa droga. Ayon sa PNP, nasa 56,495 drug suspects ang naaresto sa isinagawang 44,000 anti-illegal drug operations. Katulong ng PNP sa kampanya laban sa illegal drugs ang DILG, Dangerous Drugs Board at PDEA. May kabuuang 27,968 barangays ang nalinis sa droga, ayon sa PNP.

Kapuri-puri ang ginagawa ng PNP na drug operations. Isang malaking katanungan lang ay kung saan dinadala ng PNP ang napakaraming nakukumpiskang shabu at iba pang illegal drugs. Kumpleto ang datos ng PNP sa mga nakukumpiskang droga pero hindi naman nirereport kung saan inilalagay ang mga nakukum­piska. Dapat sabihin ng PNP ang ginagawa nila sa mga nakukumpiska upang hindi maghinala ang taumbayan.

Kung hindi sasabihin ang ginagawa sa mga nakukum­piska, maaaring isipin ng taumbayan na nare-recycle ang shabu. Hindi naman kaila na maraming scalawags sa PNP na sangkot sa illegal drugs. Mababanggit dito si dating MSgt. Rodolfo Mayo na nahulihan ng 990 kilos ng shabu noong 2021 na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon. Umano, nagre-recycle ng shabu si Mayo habang naka-assigned sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Para hindi ma-recycle ang shabu na ­nakukumpiska, sirain na agad ito at huwag nang itago. Ang bulto ng mga nakumpiskang shabu ay mainit sa mata ng mga corrupt na pulis. Matutukso silang umitin ang shabu para ikalat sa kalye. Milyones ang halaga ng karampot na shabu na mauumit. Hanggang mahirati na ang mga corrupt na parak sa pagnanakaw ng nakatenggang shabu.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with