‘Parol’ (Part 1)
Tuwang-tuwa ako kapag sumasapit ang “ber” sa kalendaryo. Kapag “ber” ibig sabihin ay malapit na ang Pasko. Ang Pasko ang pinakamasayang araw para sa akin. Kahit ngayong senior citizen na ako, lagi ko pa ring inaabangan ang pagsapit ng Pasko at ang pagsasabit ng parol sa bintana.
Noong ako ay nasa high school pa—dekada 70, naging kaugalian na sa aming school na ang bawat estudyante ay gagawa ng kanya-kanyang parol at pipiliin ang pinakamaganda. Bahala ang estudyante sa mga gagamiting dekorasyon sa parol. Ang mapipili ay may premyong cash.
Laging ako ang nananalo sa parol making contest. Hangang-hanga ang mga classmate ko at pati teachers.
Paano ko raw nagawa ang parol na napakaganda.
Wala akong masabi kundi ngiti lang.
Ang hindi alam ng mga kaklase at teachers, ang Lolo Fernando ko ang may gawa ng parol. Si Lolo Fernando ay ama ng aking ina.
(Itutuloy)
- Latest