^

Punto Mo

Pinakamalaking koleksiyon ng mga kuko, naitala sa Atlantic Canada

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG 2013, mahigit 24,000 residente ng Atlantic Ca­nada ang nag-ambag ng kanilang mga pinaghinukuhan bilang bahagi ng isang makasaysayang pag-aaral na layong tuklasin ang mga sanhi ng kanser at iba pang malalang sakit.

Ang proyektong pinangasiwaan ng Atlantic Partnership for Tomorrow’s Health (PATH) ay nangalap ng mahigit 250,000 piraso ng mga kuko mula sa mga kalahok na may edad 35-69, kabilang dito ang kanilang mga datos tulad ng body measurement at blood sample.

Ang kakaibang koleksiyong ito ay nagbigay-daan upang maunawaan ng mga siyentipiko kung paano naaapektuhan ng mga environmental factor ang kalusugan ng tao, lalo na’t mataas ang kaso ng kanser sa Atlantic Canada.

Sa pamamagitan ng pag-aaral, natuklasan nila ang kaugnayan ng arsenic mula sa kontaminadong tubig at ang pagtaas ng mga kaso ng bladder at kidney cancer sa rehiyon. Bukod dito, nadiskubre rin ang koneksiyon ng taba ng katawan sa pag-absorb ng arsenic.

Ang tagumpay ng proyekto ay umani pa ng Guinness World Record para sa titulong “Largest Collection of Nail Clippings”—isang kakaibang parangal na nagdulot ng saya sa komunidad habang ginugunita ang kahalagahan ng kanilang ambag sa agham.

NAILS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with