Pagkain ng isipan (Part 2)

Ang balut ay mataas sa protein at calcium.

Kapag “walking” ang ginagawa mong exercise, mas tatagal ng 30 percent ang paglalakad kung sasabayan ito ng paki­kinig ng music.

Ipitin sa pagitan ng lips ang isang slice na loafbread habang naggagayat ng sibuyas upang hindi mapaluha.

Bukod sa pagsesepilyo ng ngipin, ang regular na pagsepilyo sa dila ay pumipigil sa pagkasira ng ngipin at pagkakaroon ng mabahong hininga.

Ang peanut butter ay inimbento upang ang mga bungi ay may good source ng protein.

Base sa pag-aaral na ginawa ng University of Southern Denmark noong 2007, ang sikreto para makamtan ang kaligayahan ay bawasan o babaan ang mga “expectations” sa buhay.

Ang simpleng pagtawa ay nakakabawas ng stress hormones pero nakakalakas ng immune system.

Ang original Olympic flag ay nawala pagkatapos ng Summer Olympics sa Belgium noong 1920. Noong 1997 ay ininterbyu ang 101 year old bronze medalist na si Hal Haig Prieste, na nanalo noong 1920 para sa platform diving. Ang interbyu ay naganap sa U.S. Olympic Committee dinner. Nabanggit ng reporter na ang original ng Olympic flag ay nawala noong panahong siya ay nanalo. Walang anumang sumagot si Prieste ng: A, ‘yun ba, naitago ko sa aking maleta ang flag. Sa loob ng maraming taon, nakatago lang pala sa kanyang maleta ang nawawalang flag.

Ang watawat ng Denmark ang pinakamatanda sa buong mundo dahil ito ay dinisenyo noong 1219 at hindi kailanman binago.

Show comments