^

Punto Mo

‘Krismas Tri’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ALAS diyes na ng umaga ay hindi pa kami nakakakita ng puno na gagawing Krismas Tri. Pawang ang mga puno na aming nakikita ay malalago ang dahon at walang sanga o kung meron man ay mga baluktot. Kailangan ay tuwid ang sanga para madaling pagsabitan ng mga Krismas balls at iba pang dekorasyon.

Napapagod na kami ni Ruben sa paghahanap ng puno. Uuwi yata kami na walang makukuhang puno. Pagagalitan kami ni Nanay kapag walang dalang puno para gawing Krismas tri.

Nagpahinga kami ni Ruben sa lilim ng punong talibig.

Nagpalinga-linga ako sa paligid.

Hanggang may makita akong puno sa di-kalayuan. Tuwid na tuwid ang katawan ng puno at ang mga sanga ay mahahaba at tuwid din. Makapal ang dahon ng puno at berdeng-berde.

“Anong puno yun Ruben?’’ tanong ko sa aking kapatid.

“Hindi ko alam—hindi ba pine tree yun.’’
“Wala namang pine tree rito—sa Baguio lang meron nun.’’

“Putulin natin!’’

“Kayanin kaya natin yan?”

“Oo. Yung dulo lang naman ang kukunin natin.’’

“Sige.’’

Pinutol namin ang puno.

Napakaganda talaga. Matutuwa siguro si Nanay kapag nakita ang puno! (Itutuloy)

CHRISTMAS TREE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with