^

Punto Mo

Mayang (79)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SIGE na Jeff, pumunta ka na sa bahay. Ipaliwanag mo nang maayos kay Mayang ang mga nangyari kung bakit kayo nagkahiwalay,’’ sabi ni Lolo Nado.

“Kinakabahan ako Lolo.’’

“Huwag kang kabahan.’’

“Sa palagay mo Lolo, mapapatawad niya ako?’’

“Basta ipaliwanag mo sa kanya ang lahat. Huwag kang maglilihim.’’

Napatango si Jeff.

Ganunman, kinakabahan siya. Baka sa halip na tanggapin siya ni Hiyasmin ay ipagtabuyan.

Baka sigawan siya at mabulabog ang katahimikan ng lugar. Baka maglabasan ang mga tao at isipin na may masama siyang ginagawa kay Mayang. Baka isipin ng mga kapitbahay na magnanakaw siya o masamang tao na may gagawing kaha­yupan.

Nagdadalawang isip siya kung magpapatuloy sa paglapit sa bahay ni Mayang. Kung noon ay gustung-gusto niyang makita at makausap si Mayang, ngayon ay atubili siya at gustong umatras.

“Jeff, sandali!’’ sabi ni Lolo Nado.

Lumingon si Jeff.

“Huwag kang mangamba, Jeff. Alisin mo sa isip na sisi­gawan ka at aawayin ni Mayang. Sa halip ang isipin mo ay pakikiharapan ka nang maayos at pakikinggan ni Mayang. Huwag mong isipin na masama ang mangyayari bagkus isipin mong maganda ang kahahantungan ng pagkikita n’yo. Maging positibo ka Jeff! Kapag inisip mo na magiging maganda ang pag-uusap n’yo ni Mayang, yun ang mangyayari. Tandaan at sundin mo ang payo ko, Jeff!’’

“Opo Lolo.’’

“Sige na. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa!’’

Nabuhayan ng loob si Jeff.

Naisip niya, talo pa siya ni Lolo Nado—positibo ang pag-iisip—samantalang siya, pawang negatibo ang iniisip!

Lumakad na siya patungo sa bungalow ni Mayang. Wala nang atrasan! Iisipin niyang pakikiharapan siya nang maayos at mauunawaan ni Mayang. Magiging maganda ang kalalabasan ng pag-uusap nila.

Lumapit siya sa gate at tinuunan ng daliri ang door bell. Wala na siyang nararamdamang pangamba. (Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with