^

Punto Mo

Parrot, nagmistulang ‘dentista’ matapos bunutan ng ngipin ang isang bata sa China!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kakaibang eksena ang pumukaw sa atensiyon ng mga netizens matapos mag-viral ang isang video ng isang batang lalaki sa Foshan, China, na tinulungan ng ­alaga niyang parrot na mabunot ang kanyang ngipin.

Sa naturang video, mapapanood ang bata na inilalapit ang ibon sa kanyang bibig. Sa isang mabilis at tiyak na kilos, binunot ng parrot ang maluwag na ngipin ng bata.

Bagamat pambihira, hindi ito ang unang pagkakataon na ang mga ibon ay naging kapansin-pansin sa kanilang mga natatanging kakayahan.

Sa kalikasan, ang ibon na Egyptian Plover ay kilalang tumutulong sa paglilinis ng ngipin ng mga buwaya. Nililinis nila ang bibig ng buwaya mula sa mga tira-tirang pagkain at mga linta, na nagdudulot ng benepisyo para sa parehong ibon at reptilya.

Gayunman, mahalagang paalala ang ibinigay ng mga eksperto. Ayon sa Chicago Exotics Animal Hospital, ang laway ng tao ay maaaring magdala ng mga pathogen na mapanganib sa mga ibon.

Kaya inirerekomenda na huwag hayaang mapalapit ang kanilang mga tuka sa bibig o ilong ng tao upang maiwasan ang anumang panganib sa kanilang kalusugan.

PARROT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with