^

Punto Mo

Marunong bang makiramdam ang aso?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY mga bagay na nahahalata sa iyo ng alaga mong aso. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Kung mapagbigay ka o maramot. Napag-aralan ng mga researchers sa University of Milan, na may kakayahang makiramdam ang aso kung palabigay ba ang kanilang amo sa mga pulubi at sa mga asong hindi nila alaga. May nangyari noon na may asong palaboy ang bigla na lang lumapit kay Sharon Cuneta habang naka-break siya sa shooting ng isang pelikula ng Viva sa beach resort sa Olongapo. Ikinuskos nito ang katawan sa binti ni Sharon na para bang nagpapaampon. Nagtagumpay ang aso sa pagpapansin kay Sharon at sa kalaunan ay inampon na siya at pinangalanang Pawi. Marami namang tao noon pero tila nahulaan ng aso na mapagmahal sa hayop ang kanyang nilapitan.

2. Naamoy nila ang hininga ng kanilang amo kung ito ay nagagalit sa kaharap niyang ibang tao. May lumalabas na pheremones sa hininga kapag may stiffness sa muscle dulot ng pagkaasar. Kaya huwag magtaka kung bigla na lang uungulan ng iyong alaga ang taong kinaaasaran mo kahit wala namang itong nakikitang eksena ng pag-aaway.

3. Naaamoy niya kung saan ka nanggaling—palengke: malansa, sugalan: amoy usok, ospital: amoy gamot, etc.

4. Naaamoy nila kung ang kanilang amo ay may cancer, specifically breast cancer.

5. Nadarama nila kung parating ka na ng bahay.

6. Alam nila kung magkagalit kayong mag-asawa kahit walang salitaang nangyayari.

7. Alam nila kung kailangan mo ng proteksiyon.

8. Alam nila kung magbabakasyon kayo at hindi siya kasama. Parang batang humahabol at nag-iiyak kapag iniiwan siya.

9. Ang mga aso ay nakikipagtitigan sa kanilang amo dahil naaamoy nilang kinatutuwaan sila.

10. Alam nila kung masama ang pakiramdam ng kanyang amo.

11. Alam nilang mahina lang ang baby ng kanyang amo at walang kakayahang alagaan ang sarili kaya binabantayan nila ito.

12. Alam niyang malungkot ang kanyang amo kaya ang tangi lang nilang maiaalay ay mamaluktot sa kandungan o paanan nito.

“A dog is the only thing on earth that loves you more than you love yourself.” – Josh Billings

DOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with