^

Punto Mo

Bottled water sa Japan, pinakamahal na tubig sa buong mundo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KILALA ang Fillico Jewelry Water, isang Japanese brand, bilang isa sa mga nagbebenta ng pinakamahal na tubig sa buong mundo. Ang mga limitadong edisyon ng kanilang produkto ay nagkakahalaga ng P500,000 kada bote.

Ang tubig na ginagamit ng Fillico ay nagmumula sa Nunobiki Spring sa Rokkou National Park sa Kobe, isang lugar na malayo sa anumang polusyon.

Pinuri ang kalidad ng tubig nito dahil sa natural na pag-filter ng volcanic rock, na nagbibigay ng sariwa at purong lasa. Sa kabila nito, hindi lang ang tubig mismo ang nagpapataas ng halaga ng produkto.

Ang pangunahing dahilan ng mahal na presyo nito ay ang disenyo ng bote. Ang bawat bote ng Fillico ay dinisenyo bilang isang work of art. May mga dekorasyon itong Swarovski crystals, at ginto.

Limitado rin ang produksyon nito sa 5,000 bote bawat buwan upang mapanatili ang pagiging exclusive.

Mula nang ilunsad noong 2005, nagtagumpay ang Fillico na maipakilala ang kanilang produkto bilang simbolo ng karangyaan. Naging paborito ito ng mga kilalang personalidad, maharlikang pamilya, at iba pang mayayaman sa mundo.

Hindi lang ito basta tubig, kundi isang status symbol na sumisimbolo ng marangyang pamumuhay.

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with