^

Punto Mo

Dapat bang ibuking si Santa Claus sa mga bata?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MARAMI rin sa ating mga Pinoy ang dumaan sa yugto ng pagkabata na napukaw ang interes at imahinasyon kay Santa Claus na isa sa karaniwang nakasanayang karakter o imahe tuwing Kapaskuhan na namana natin mula sa mga bansang kanluranin. Kakambal na ni Santa Claus ang mga regalo na inaabangan at inaasahan ng mga totoy at nene tuwing sasapit ang okasyong ito.

Tila nga lang tahimik sa pangkalahatan ang lipunan natin sa realidad ni Santa Claus bagaman maraming impormasyon hinggil sa kanya ang makikita sa mga libro at ibang babasahin, sa print man o sa internet.  Totoo ba siya o hindi? Wala naman kasing lumilitaw na malaking problema rito.  Lumalaki ba  ang mga bata na hindi na nagiging malaking isyu sa kanila kung totoo ba o hindi si Santa Claus?

Meron ding mga magulang na, tuwing sasapit ang Pasko, nagsusuot sila ng costume ni Santa Claus, na ikinagugulat at ikinatutuwa nang malaki ng kanilang mga maliliit na anak na hindi na tinatanong kung ano ang impresyon nila sa kanilang natutuklasan. Hindi lang naman ito sa mga bahay ng mga indibiwal na pamilya ito nangyayari.

Kalimitan, makakakita ang mga bata ng iba’t ibang mga taong nakasuot ng Santa Claus sa mga shopping mall, department store, palaruan, karnabal, mga pasyalan, restawran, at ibang mga pampublikong lugar at maging sa mga palabas sa sinehan at telebisyon. Dumarami si Santa Claus sa kanilang nakakagisnang kapaligiran pero ano kaya ang kanilang iniisip o naiisip habang nagkakaedad sila?

Isinulat nga ng philosophy lecturer ng University of St. Andrews sa Scotland na si Joseph Millum sa Philippine Canadian Inquirer na hinalaw sa Conversation na mabilis namang nalalaman ng maraming bata ang katotohanan at hindi nasisira ang tiwala nila sa kanilang mga magulang. Wala anyang dapat ikabahala. Pag-aralan lang kung paano isisiwalat sa mga bata nang dahan-dahan ang katotohanan.

Binanggit ni Millum ang isang interbyu ng ilang mga psychologist noong taong 1994 sa 52 bata na hindi na naniniwala kay Santa Claus. Sa average, sa edad na pitong taong gulang ay alam na ng mga bata na hindi totoo si Santa Claus.

Iba’t-ibang klase ng pakiramdam ang kanilang inireport. Kalahati ang nalulungkot, dismayado o nalinlang. Tatlo sa lima ang masaya. Pero hindi naman matindi ang ganitong mga reaksyon.  

Pagkaraan ng 30 taon, isang kahalintulad na pag-aaral ang kumapanayam sa 48 bata na edad mula anim hanggang 15 taong gulang. Karaniwang natuklasan nila ang katotohanan sa edad na walong taong gulang.

Halos kalahati ng bilang ng mga bata ang nagpahayag ng kalungkutan o galit pero ganito rin ang dami ng masasaya. Natuklasan ng mga researcher na, kahit nalaman ng mga bata na wala talagang Santa Claus, masaya pa rin sila dahil nakakatanggap pa rin sila ng regalo.

Wala anyang malakas na katibayan na nagpapatunay na, para maging masaya sa Pasko, dapat maniwala kay Santa Claus. Walang pruweba na nagpapaunlad sa imahinasyon o kritikal na kaisipan ng mga bata ang paniniwala kay Santa Claus.

Para kay Millum, mali namang sabihin sa mga maliliit na bata na talagang merong Santa Claus. Isa anya itong manipulasyon, pagsira sa kanilang tiwala at  maaaring magdulot ng  pagkabahala at mabura ang mga benepisyong maibibigay nang hindi kailangang magsinungaling. Lumilitaw sa mga datos na nakakatulong sa mga bata kapag sinasabi sa kanila ang katotohanan sa paraang sensitibo at angkop sa kanilang edad.

-oooooo-

Email: [email protected]

SANTA CLAUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with