^

Punto Mo

Ang bayaning doktora

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Dr. Frances Kelsey ay nagsimulang magtrabaho sa Food and Drug Administration (FDA) sa Washington D.C. noong 1960. Isa siya sa pitong doktor na ang trabaho ay rebyuhin ang mga gamot bago ibenta sa publiko.

Ang first assignment niya ay rebyuhin ang isang gamot na painkiller at tranquilizer para sa mga buntis na nagmo-morning sickness o nagsusuka tuwing umaga. Ito ay may generic name na Thalidomide.

Sa kabila ng katotohanang ito ay aprubado at ibinebenta na sa Canada at 20 European at African countries, pinigilan ni Kelsey ang pagbibigay ng approval sa gamot at hiniling na ipagpatuloy pa ang review sa Thalidomide.

Gustong makatiyak ni Kelsey na ang gamot ay walang bad side effect sa nervous system. Paano kung palpak pala ang gamot? Dalawang buhay ang maapektuhan, ang ina at higit sa lahat, ang sanggol sa sinapupunan.

Pagkaraan ng ilang taon, nagkaroon nang maraming insidente ng birth defects sa Europe kagaya ng mga sanggol na ipinanganak na walang mga kamay o binti. Natuklasang ang pag-inom ng mga buntis ng Thalidomide ang dahilan ng mga birth defects na ito.

Nagbunyi ang U.S. community dahil ilang libong sanggol ang nailigtas niya sa pagkakaroon ng deformities. Bilang papuri sa pagharang ni Kelsey sa American approval ng Thalidomide, pinagkalooban siya ng President’s Award for Distingquisded Federal Civilian Service by John F. Kennedy. Nagretiro lang siya sa FDA noong 2005 sa edad na 90. Pumanaw siya noong 2015 sa edad  na 101.

FDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with