^

Punto Mo

EDITORYAL - Sampolan, mga ganid na rice ­importers

Pang-masa
EDITORYAL - Sampolan, mga ganid na rice ­importers

ABOT LANGIT pa rin ang presyo ng bigas at hindi maabot ng mga maliliit at karaniwang mamamayan. Ito ay sa kabila na ibinaba na ang taripa sa impoted na bigas. Sa halip na bumaba ang presyo, tumaas pa ngayon—P50 hanggang P55 ang kilo.

Sa nangyayaring ito, dapat paigtingin ng House of Representatives ang pag-iimbestiga sa mga importer ng bigas at sampolan sila sa nangyayaring pagtaas ng presyo ng bigas. Malinaw na may rice cartel at namamanipula ang presyo sa mercado. May sabwatan ng mga rice importers at mga negosyante ng bigas kaya hindi bumababa ang presyo ng bigas. Umano’y 36 percent ng kabuuang inaangkat na bigas ang kontrolado dahil sa sabwatan.

Ayon sa komite na nag-iimbestiga, kabilang sa tinututukan nila ang mga sumusunod na rice impor­ters: Bly Agri Venture Trading, Atara Marketing Inc., Orison Free Enterprise Inc., Macman Rice and Corn Trading, King B Company, Sodatrade Corp., Lucky Buy and Sell, Vitram Marketing Inc., Nan Stu Agri Traders at RBS Universal Grains Traders Corp.

Talagang nakapagtataka na sa kabila na ibinaba na ang taripa sa imported rice, nananatili ang mahal na bigas sa mga palengke. Taliwas ito sa hakbang ng pamahalaan para mapababa ang presyo. Noong Hunyo, iniisyu ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order 62 na nagbababa sa taripa ng imported rice mula 35 percent sa 15 percent. Pero walang epekto dahil sa sabwatan ng mga ganid na rice importers at negosyante.

Ang sabwatan ng mga pangunahing rice importers at mga mapagsamantalang negosyante ay “naamoy” noong Setyembre nang matengga ang 23 milyong sako ng bigas sa Manila International Container Port (MICT) at South Harbor. Ang mga imported na bigas ay nasa 900 containers. Ayon sa Philippine Port Authority (PPA), matagal nang nasa pantalan ang mga container at hindi kinukuha ng importers. Maski sa Subic at Batangas ports ay marami ring nakatenggang imported na bigas noon.

Nagpahiwatig ang PPA na maaaring hinihintay ng rice importers na sumirit ang presyo ng bigas at saka nila kukunin sa port ang shipment. Makaraan ang ilang araw na pagbatikos sa media, kinuha rin ng rice importers ang mga nakatenggang bigas sa MICT. Hindi na nalaman kung saan humantong ang mga bigas. Maaaring nasa mga bodega at naghihintay ng tamang pagkakataon para maitaas ang presyo.

Paigtingin pa ng Kamara ang pag-iimbestiga sa sabwatan ng rice importers at negosyante. Dapat may masampolan sa kabuktutang ginagawa. Mga mahihirap ang lalo nilang pinahihirapan at apektado ang ekonomiya na sinasabotahe nila.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with