Katotohanang dapat mong maintindihan
• Mas mabuti pang mag-isa kaysa may kaibigan ka pero ginagamit ka lang.
• Iwasang maging close sa mga taong close sa lahat ng tao.
• Mabuti rin ‘yung mapera ka para malaya kang makalayo sa mga taong hindi mo gusto at sa sitwasyong hindi ka komportable.
• Kung dalawa lang ang pagpipilian: Pipiliin ko pa rin na nasa itaas ako kahit sabihin pang malungkot roon, lalo namang mas malungkot kung ikaw ang nasa ibaba.
• Tigilan mo na ang paniwala na lahat ng iyong kaopisina ay kaibigan mo. Kasama mo lang sila sa trabaho. Kapag nagkagipitan, ililigtas nila ang mga sarili at wala silang pakialam kung ikaw lang ang maparusahan.
• Huwag pagsisihan ang pagtulong sa mga taong sa bandang huli ay ginantihan ka pa ng kasamaang ugali. Basta’t tandaan mo, lahat nang ibinibigay mo ay ibabalik sa iyo ng universe ng 10 times. Sa iyo ay 10 times good karma, sa kanya ay 10 times bad karma.
• Huwag makialam sa away ng mag-asawa, lalo na ‘yung kakampihan mo ang isa sa kanila. Sa bandang huli ay magkakabati rin sila at ikaw ang lalabas na kaaway nila.
• Ang pinakamaingay sa room ang madalas na pinakabobo.
• Sa workplace, magpahinga kung napapagod na. Alagaan mo ang iyong sarili. Kapag may nangyari sa iyo, mabilis kang mapapalitan at patuloy ang pag-ikot ng kanilang negosyo.
• Kung ang isang tao ay hindi marunong tumanggap ng pananagutan, isisisi niya ang lahat ng kapalpakan sa ibang tao.
• Kapag kulang sa integridad, bibigyan pa niya ng katwiran ang mga pinaggagagawang kasamaan.
- Latest