Magkapatid sa U.K., hawak ang Guinness World Record sa pinakamalaking koleksiyon ng Pokémon cards!

NAKAMIT ng magkapatid na sina Owen at Conner Gray mula sa Great Britain ang Guinness World Record para sa pinakamalaking koleksiyon ng Pokémon cards, na umabot sa 48,339 piraso.

Nalampasan nila ang dating record ni Benjamin DeGuire, na may 34,310 cards noong 2023.

Ang koleksiyon ng magkapatid ay kinabibilangan ng mga card mula sa iba’t ibang bansa at wika. Sa kabila nito, ipinagmamalaki nila ang natuklasang rare “gold star Charizard” cards sa mga bag na nahanap nila sa isang attic.

Ang mga card na ito, na nasa mabuting kondisyon ay maaaring nagkakahalaga ng milyong dolar.

Sa kasalukuyan, pinaplano ng magkapatid na i-showcase ang kanilang natatanging koleksiyon sa mga collector convention sa U.S.

Sa likod ng kanilang natanggap na world record, nananatili hamon para sa kanila ang maghanap pa ng ibang rare Pokémon cards.

Show comments