‘Ligaw’

(Part 9)

Habang nakasalampak ako sa ilalim ng punong kawayan, nag-concentrate ako. Kailangang labanan ko ang isang hindi nakikitang puwersa na nagpapagulo o nagpapalito sa isipan ko. Kailangang matalo ko ang hindi nakikitang “nilalang” na naglalaro sa akin.

Naalala ko ang sinabi ng ­aking namayapang Lolo Indo, may mga “nilalang” na nanggugulo at sinisira ang isang nakursunadahang tao. At palagay ko, nakursunadahan ako ng “nilalang”. Iniligaw ako.

Nagpatuloy ako sa pag-concentrate. Hindi na ako maglalakad sapagkat mas delikado. Ayon kay Lolo Indo, may mga naligaw na hindi na nakabalik. Mas makabubuti na maupo sa isang lugar at mag-concentrate. Huwag mag-panic. Huwag hayaang makontrol ng “nilalang” ang isipan. Maging alerto.

Ipinikit ko ang aking mga mata at buong lakas na nilabanan ang kakaibang puwersa.

Pinagpawisan ako sa labis na pagko-concentrate.

Maya-maya, nakarinig ako ng tawag.

Tinatawag ang pangalan ko.

(Itutuloy)

Show comments