‘Ligaw’
(Part 9)
Habang nakasalampak ako sa ilalim ng punong kawayan, nag-concentrate ako. Kailangang labanan ko ang isang hindi nakikitang puwersa na nagpapagulo o nagpapalito sa isipan ko. Kailangang matalo ko ang hindi nakikitang “nilalang” na naglalaro sa akin.
Naalala ko ang sinabi ng aking namayapang Lolo Indo, may mga “nilalang” na nanggugulo at sinisira ang isang nakursunadahang tao. At palagay ko, nakursunadahan ako ng “nilalang”. Iniligaw ako.
Nagpatuloy ako sa pag-concentrate. Hindi na ako maglalakad sapagkat mas delikado. Ayon kay Lolo Indo, may mga naligaw na hindi na nakabalik. Mas makabubuti na maupo sa isang lugar at mag-concentrate. Huwag mag-panic. Huwag hayaang makontrol ng “nilalang” ang isipan. Maging alerto.
Ipinikit ko ang aking mga mata at buong lakas na nilabanan ang kakaibang puwersa.
Pinagpawisan ako sa labis na pagko-concentrate.
Maya-maya, nakarinig ako ng tawag.
Tinatawag ang pangalan ko.
(Itutuloy)
- Latest