^

Punto Mo

Mga taong nahulaan ang sariling kamatayan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Pete Maravich

Siya ang Stephen Curry ng kanyang panahon. Sumikat na NBA player mula 1970 hanggang 1980. Kabilang siya sa 50 greatest players in NBA history. Sa isang interview sa kanya noong 26 years old pa lang siya, tinanong siya kung ano ang ayaw niyang mangyari sa kanyang buhay. Ang sagot niya ay ito:

Ayokong mangyari sa akin na maglalaro lang ako ng sampung taon. Tapos mamamatay sa edad na 40. Gusto ko ay magtagal ako sa paglalaro ng basketball.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon siya ng injury noong 1980 kaya napilitan siyang huminto sa paglalaro. Hustong sampung taon siya sa NBA nang magpasya siyang magretiro sa basketball. Isang araw noong 40-anyos na siya, basta na lang siya natumba at namatay. Inatake na pala siya sa puso nang oras na iyon. Ang mga bagay na ayaw niyang mangyari sa kanya ang eksaktong naging kapalaran niya.

Bob Marley

Siya ay Jamaican singer, musician at songwriter. Nagsilbi siyang world ambassador for reggae music and sold more than 20 million records. Sinabi niya sa isang kaibigan na mamamatay siya sa edad na 36. Nang itanong kung bakit 36, ang sagot sa kaibigan ay: Dahil iyon ang edad ni Hesus nang namatay ito. Nagkatotoo ang kanyang sinabi—binawian siya ng buhay sa edad na 36 dahil sa cancer. (Itutuloy)

DEATH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with