Mga Pinoy, pinag-iingat ni Marbil sa pamimili online!

DADAGSA ang pamimili online nitong Kapaskuhan kaya mahigpit na pinag-iingat at pinagbilinan na maging mapanuri ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga Pinoy bago pumasok sa kanilang transaksiyon sa mga gadgets. Para hindi magoyo ang mga Pinoy sa samu’t saring scams, inutusan ni Marbil ang PNP Anti-Cybercrime Group na kumilos para sawatain ang online scams at fraud habang papalapit na ang Pasko.

Aniya, dapat maging mapagmatyag ang mga Pinoy o beripikahin ang lahat ng papasuking transaksiyon, at higit sa lahat iwasan ang mga kahina-hinalang links. Eh di wow! “Our operations target the syndicates behind these scams, but the public’s awareness and caution are crucial in preventing victimization,” ani Marbil. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ng PNP top cop na hindi dapat pindot lang nang pindot ang mga Pinoy sa mga naglalabasang promo o links sa kanilang gadgets na nagbebenta ng mumurahing paninda kumpara sa malls at iba pang tindahan. Aniya, dapat beripikahing maigi muna ang mga bumibili o nagbebenta sa kanilang profile, reviews at ratings sa kanilang mga platform kung meron nito.

Hindi lang ACG ang pinakilos ni Marbil kontra scams, kundi pinaigting pa niya ang security operations sa kapaskuhan upang siguraduhin ang kaligtasan ng publiko, tuldukan ang kriminaldad at tutukan ang political challenges habang umiinit ang isyu patungkol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

“Our mandate is clear: to ensure public safety under any circumstances. The PNP is a professional and apolitical organization. We are here to serve and protect all Filipinos, regardless of the political climate,” aniya! Kayod marino ang ating PNP ngayong Pasko, ‘no mga kosa? Ano pa nga ba? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Malakas naman ang paniniwala ni Marbil na dahil sa kanilang kahandaan na sagupain ang lahat ng pagsubok nitong Christmas holiday, magiging matiwasay at matahimik ang pagselebra ng mga Pinoy, hindi lang ng Pasko at New Year, kundi maging ng Simbang Gabi

“Christmas is a season of joy and giving, but it is also a period when criminal elements may exploit public vulnerability. The PNP is committed to making this season safe and secure for all Filipinos,” ani Marbil.

Para hindi sila malusutan ng mga kriminal, naunang iniutos ni Marbil ang pinag-igting na police visibility at regular mobile patrols sa matrapik na lugar tulad ng malls, palengke, at mga transport hubs. “The presence of uniformed personnel in public areas is a reassurance of our dedication to protecting the public. We aim to provide peace of mind during the holiday rush,” aniya. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Handa man sila sa seguridad ng Pasko at New Year, pinaghahandaan din ng PNP ang inanunsiyong prayer rally ng powerful Iglesia ni Cristo na tinututulan ang impeachment proceedings laban kay VP Sara. Siyempre, hindi lang puro PNP ang kikilos para sa kaligtasan ng mga Pinoy kundi sana maging ang publiko, sa pamamagitan ng maingat na pagbantay ng kanilang personal na gamit, ‘wag magdala nang malaking cash at i-report ang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar. Abangan!

Show comments