SA stage play muna umaarte si Meryl Streep noong kanyang kabataan. May pagkakataong naisisingit siya sa pelikula kung saan nakukuha siya sa maliliit na role.
Noong siya ay 26-anyos, may nakilala siyang Italyano na nagustuhan ang kanyang acting sa isang stage play. Inakit siya ng binata na mag-audition sa gagawing pelikula ng kanyang amang producer na si Dino de Laurentiis. Nakatakda nitong gawin ang 1976 King Kong.
Sinamahan siya ng binata sa magarang opisina ni Dino de Laurentiis sa Manhattan. Pagharap niya sa producer, nagsalita ito ng Italian sa anak na binata:
“Che brutta!” (Napakapangit na babae!)
Hindi alam ng supladong producer na nakakaintindi ng Italian si Meryl Streep kaya sinagot niya ito.
“Naiintindihan ko ang iyong sinabi dahil marunong ako ng Italian. Sorry kung hindi sapat ang aking hitsura para sa iyong pelikulang King Kong. Goodbye!”
Iyon ang naging motivation ni Meryl Streep para abutin at pagbutihin niya ang kanyang acting. Tuwing may gagawin siyang pelikula, ibubulong niya ang mga salitang binitawan ng supladong producer: Che brutta! Iyon ang magic word niya para lalo niyang galingan ang pag-arte.
Ang resulta ng pang-iinsulto sa kanya ay ang hindi mabilang na acting awards. Ilan sa mga ito ay three Academy Awards, one for Best Supporting Actress in 1979, one for Best Actress in 1982, at Best Actress para sa 2011 film “The Iron Lady”.