^

Punto Mo

EDITORYAL - May magagawa pa bang iba maliban sa diplomatic protest?

Pang-masa
EDITORYAL - May magagawa pa bang iba maliban sa diplomatic protest?

Ngayong 2024, humigit-kumulang sa 10 insidente ng pambu-bully at panggigipit ang ginawa ng China sa mga sasakyang dagat ng Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). At sa mga nangyaring insidente, hindi sapat ang aksiyon ng Pilipinas na paghahain ng diplomatic protest. Lagi na lamang bang maghahain ng protesta na hindi naman iniinda ng China. Meron pa bang ibang magagawa liban dito?

Buong 2024, halos buwan-buwan ay binu-bully ng China Coast Guard (CCG) ang Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang barko na nagdadala ng supply sa Ayungin Shoal.

Noong Pebrero, hinarang ng CCG ang BRP Datu Sunday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resour­ces (BFAR) habang nagsasagawa ng pagpapatrulya sa Scarborough Shoal. Tatlong beses silang hinarang at nagsagawa nang mapanganib na maniobra ang CCG at muntik nang madisgrasya ang kanilang sinasakyan.

Noong Marso, hinarang at ginitgit ng CCG ang BRP Sindangan ng PCG sa Second Thomas Shoal. Habang hinaharass ang BRP Sindangan, hinabol at binomba ng tubig ang maliit na barkong magdadala ng supply sa BRP Sierra Madre.

Noong Abril, walong beses binomba ng tubig ng CCG ang BRP Datu Bankaw. Bukod sa pagbomba, apat na beses na binangga na ikinasira ng railings nito. Bukod sa pagkasira ng railings, nasira rin ang mga equipment ng barko. Ang Datu Bankaw ay pag-aari ng BFAR.

Noong Hunyo, naputulan ng hinlalaki ang isang sundalong Pinoy makaraang banggain ng CCG ang sinasakyang rubber boat habang naghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre. Ang sundalo ay si Seaman First Class Jeffrey Facundo.

Noong Agosto 8, dalawang Chinese aircraft ang pumasok sa himpapawid ng bansa sa tapat ng Bajo de Masinloc at nagpakawala ng flares sa direksiyong tinutungo ng Philippine Air Force (PAF) aircraft. Nagsasagawa ng pagpapatrol sa lugar ang PAF nang biglang lumitaw ang Chinese planes at nagpakawala ng flares.

Noong Setyembre, binomba ng tubig ng CCG ang dalawang barko ng BFAR habang nagsasagawa ng routine resupply mission sa Bajo de Masinloc.

Ngayong Disyembre, dalawang beses hinarass ng CCG ang PCG vessels. Ang pinakahuli ay noong Miyerkules nang kuyugin ng limang CCG vessels ang barko ng PCG at BFAR sa Bajo de Masinloc. Binangga at binomba ng tubig.

Magpoprotesta raw muli ang Pilipinas sa ginawa ng CCG. Meron pa bang ibang paraan maliban dito? Hindi ba puwedeng iboykot ang mga produkto ng China bilang protesta sa pangha-harass? Kahit sa paraang ito, makaganti ang Pilipinas. Dapat masaktan sila sa ginagawang panggigipit.

WPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with