MULING pinatunayan ng German record-breaker na si Andre Ortolf ang kanyang kakayahan matapos niyang mabawi ang dalawang world record title na: “Fastest time to drink one litre of lemon and lime juice through a straw”.
Dating hawak ni Ortolf ang record na 16 seconds para sa lemon juice at 16.82 seconds para sa lime juice. Gayunman, nahigitan ito ngayong taon ni David Rush, na nakapagtala ng 13.53 seconds para sa lemon juice at 13.99 seconds para sa lime juice.
Sa isang araw, matagumpay na nabawi ni Ortolf ang mga naturang titulo. Naitala niya ang bagong rekord na 13.3 seconds para sa lemon juice at 13.51 seconds para sa lime juice.
Ayon kay Ortolf, wala namang naging side effects ang pag-inom ng purong lemon at lime juice sa kanyang katawan maliban sa bahagyang pananakit ng ngipin na nawala rin makalipas ang isang araw.