^

Punto Mo

Lalaki, nanirahan sa ilalim ng dagat para sa Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 59-anyos na German ang dalawang buwan nang naninirahan sa ilalim ng dagat upang makamit ang Guinness World Record title na “Longest Time Spent ­Living in an Underwater Fixed Habitat”.

Si Rudiger Koch, ay mahigit 60 araw nang nakatira sa loob ng underwater capsule na matatagpuan sa baybayin ng Puerto Lindo, Panama, sa Caribbean Sea.

Sa mahigit dalawang buwan niyang pananatili rito, dito na rin niya ginagawa ang lahat ng kanyang trabaho bilang isang aerospace engineer.

Ang kanyang tirahan ay may sukat na 322 square feet. May mga pasilidad ito tulad ng portable toilet, TV, computer, kama, stationary bike, solar power, satellite Internet, at mga bentilador.

Sinimulan ni Koch ang kanyang world record attempt noong Setyembre 26 at plano niyang umahon mula sa ilalim ng dagat sa Enero 24, matapos ang kabuuang 120 days na pananatili.

Ang kasalukuyang record na kailangang lampasan ni Koch ay 100 araw na naitala ni Joseph Dituri noong 2023 sa Florida.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with