^

Punto Mo

Destabilisadong bansa ba ang gusto natin?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

ANG hindi raw pagbibigay ni Pres. Bongbong Marcos kay Vice President Sara Duterte ng posisyong Secretary of National Defense na talagang ambisyon nito ang naging lamat ng kanilang pinagsamahan.

Sa pananaw nang marami, iginuhit na ng tropang maisug ang pagpapatalsik kay PBBM. Sa simula pa lamang, plano ng mga kapanalig ni Sara ang pagsibak kay House Speaker Martin Romualdez at ipalit ang katropa nilang si dating President Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang Kongreso ang gabay at hulmahan ng lakas ng panguluhan. Puwede ring maging mitsa ng ikalulugso ng liderato ng bansa sa isang pagkakamali kapag nagkaisa ang mga mambabatas laban sa Presidente. Siyempre kung may suporta rin ang Armed Forces of the Philippines.

Wala pang tatlong buwan sa panunungkulan si PBBM ay kinalampag na agad ito ng intriga dahil sa mga anomalyang kinasangkutan ng noo’y Executive Secretary Vic Rodriguez.

Pumutok ang anomalya sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal na bumulabog sa Department of Agriculture (DA). Naging dahilan ito ng pagbibitiw sa tungkulin ng tatlong matataas na opisyales ng DA.

Nasundan pa ito ng maintrigang appointment ng kaibigan ni Rodriguez na si Christopher Pastrana bilang General Manager ng Philippine Ports Authority. May kaso pala itong hinaharap sa hindi pagbabayad ng kompanyang diumano’y pag-aari nitong Achipelago Philippine Ferries Corporation na utang sa Department of Transportation ng halagang P132 million. Susme!

Dito na marahil nagsimula ang intriga na nakikialam na raw si First Lady Liza sa mga transaction at appointment papers sa opisina ni Bonget. Masama nga ba ‘yun? Lawyer din naman siya at hindi naman daw pumipirma. Hmmm!

Si Sara ang kinakasuhan ngayon ng malversation of public funds dahil sa hindi maidetalye ng malinaw kung saan ginastos ang milyones na intelligence at confidential funds nito. Impeacheable daw ito kapag hindi naipaliwanag nang husto.

Tinatalakay sa Kongreso kung subject nga ba ng masusing auditing procedures ng Commission on Audit ang confidential funds. Kung ganun, aba’y dapat palang malaman talaga ng mamamayan kung sinu-sino, magkano at anong mga tanggapan ang may confidential funds maliban sa PNP at AFP na secret missions ang trabaho.

Kung tatalab ang kamandag ng impeachment complaints laban kay Sara, subaybayan natin.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with