Iba’t ibang psychological facts
December 4, 2024 | 12:00am
Tungkol sa buhay ng tao:
- Mas nagiging masasakitin kapag mahilig kang mapag-isa.
- Sa gabi nagiging mataas ang level ng ating pagiging malikhain kaysa araw.
- Masama sa kalusugan at sa iyong pagkatao kung nag-iisa ka lang mamuhay sa inyong bahay at bihirang lumabas o makisalamuha sa ibang tao. Ang perwisyo sa kalusugan ay katumbas ng paninigarilyo ng 15 sticks sa isang araw.
- Ang mga taong nasa mataas na posisyon at nagiging makapangyarihan ay walang simpatiya kaya mahina sa pagdama ng nararamdaman ng ibang tao.
- Ang “most depressed people in the world” ay nasa pagitan ng edad 18 hanggang 35.
- Ang pamamasyal (travel) ay nakakababa ng tsansang magkaroon ng depresyon, heart disease at nakakaunlad ng brain health.
- Mas matiisin ang mga babae sa pisikal na sakit kaysa mga lalaki sa kabila ng katotohanang kalahati lang ang pain receptors ng mga babae kumpara sa dami ng pain receptors ng mga kalalakihan. Likas na sa mga kababaihan ang mapagtiis sa sakit dahil kailangan nila ito sa pagluluwal ng sanggol.
- Mainam na laging optimistic sa buhay para upang makaiwas sa mental illness.
- Ang depresyon ay produkto ng ating mga iniisip. Ini-imagine natin ang mga bagay na hindi pa nangyayari.
- Ang type ng music na hilig nating pakinggan ang humuhubog sa ating nagiging pananaw sa buhay.
- Mas lalo tayong nagiging masayahin kung masayahin din ang mga taong binabarkada natin.
- Nakakababa ng psychological discomfort level ang pagdadasal at iba pang religious rituals.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended