^

Punto Mo

‘Kalapati’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last part)

NAAKSIDENTE si Kuya Bong at patay na. Ayon sa kasamahan sa trabaho, galing umano sa Batha si Kuya at patawid na sa kalsada nang masalpok ng isang pick-up na ang nagmamaneho ay isang kabataang Arabo. Dinala sa ospital si Kuya subalit dead on arrival. Nahuli ang nakasagasang tin­edyer. Nangako ang mga magulang ng tinedyer na baba­yaran ang lahat ng gastos at pati na rin ang mga danyos sa pagkamatay ni Kuya.

Ayon sa kasamahan ni Kuya, inaayos na raw ng kompanya nila ang pagpapadala sa bangkay ni Kuya Bong. Pati raw ang separation pay ni Kuya ay inaayos na rin.

Habang hinihintay namin ang pagdating ng bangkay ni Kuya, nakapagtataka naman na hindi umaalis ang puting kalapati kasama ang iba pa.

Maski si Tomas ay nahihiwagaan.

“Pala­gay ko Ruel, si Kuya yan!”

“’Yan din ang na­sasa­­isip ko Tomas!’’

Nang duma­ting ang bangkay ni Kuya ay diniretso ito sa funeral home. Apat na araw binurol at saka nilibing.

Isang araw makaraang ilibing, nagulat kami ni Tomas nang hindi na namin nakita ang puting kalapati. Nawala nang tuluyan.

Naniniwala kami ni Tomas na ang puting kalapati ay kaluluwa ni Kuya Bong.

KARANASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with