Kebab restaurant na nagluto ng 550 kilos ng Kebab at French Fries, nakatanggap ng Guinness record!
ISANG restaurant sa New South Wales, Australia, na nagluto ng 1,212 pounds o 550 kilos na Kebab at French Fries ang nakatanggap ng Guinness World Record.
Nagpakitang-gilas ang King Kebab House sa Campbelltown, New South Wales, sa Campbelltown Street Festival sa pamamagitan ng pagluto ng 1,212 pounds na kebab meat at french fries, na nagresulta sa bagong Guinness World Record title na “World’s Largest Serving of Doner Kebab Meat and Chips”.
Gumamit ang restaurant ng mahigit 1,300 pounds ng hilaw na manok at baka, pati na rin 660 pounds ng hilaw na patatas, upang makagawa ng 660 pounds na kebab at 552 pounds ng french fries.
Inilatag ang pagkain sa mga mesa na may kabuuang haba na higit 300 feet bago ito ihain sa festival goers. Ayon kay Mevlana Cifci, may-ari ng King Kebab House, ang world record attempt na ito ay paraan ng pasasalamat sa komunidad ng Campbelltown.
- Latest