‘Kalapati’

(PART 6)

SA kabila na nandidiri ako sa mga kalapating alaga ni Kuya Bong, tiniis ko dahil sa pangako sa aking nakatatandang kapatid. Kung wala si Kuya Bong, hindi kami makakapag-aral ni Tomas. Nagpapakahirap si Kuya Bong sa pagtatrabaho at kahit anong pagkakakitaan ay pinapasok para sa aming kinabukasan.

Sinunod ko ang utos ni Kuya Bong na huwag kalilimutang pakainin at linisan ang mga bahay ng kalapati.

Nagtataka naman ako kung bakit parami nang parami ang mga kalapati bawat araw. Nalaman ko na may mga bagong dating na kalapati. May mga naligaw at sumama sa paglipad patungo sa bahay.

Tuwang-tuwa naman si Kuya Bong nang malaman na may mga nadagdag na bagong kalapati.

“Suwerte yan! Baka may darating sa akin na pera!’’

Isang Sabado na umuwi si Kuya, may dala siyang magandang balita. Natanggap siyang electrician sa isang kompanya sa Saudi. Ako ay nasa third year college na noon at si Tomas ay graduating.

(Itutuloy)

Show comments