^

Punto Mo

Korapsyon at ­malabnaw na edukasyon, sanhi ng kahirapan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

WALANG masama sa mga proyektong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced Workers (TUPAD) na umaagapay sa mga kinakapos na pamilya. Pero dapat, may kaakibat na disiplina at pakikiisa ang mga namamahala at benipisyaryo nito.

Nakakadiring marinig na sinasamantala pa ito ng mga tusong local government officials at opisyales ng barangay para sa sariling kapakanan at gamitin sa pamumulitika. Pwe!

May halagang P32.720 billion na ipininondo ang gobyerno sa TUPAD para ngayong 2024 at inaasahang makakatulong sa mga nawalan ng trabaho na nagpapaaral ng mga anak at pandugtong sa kapos na pagkain sa lamesa.

Mula sa dating mahigit isang milyon noong 2008, 760,000 na lamang nitong 2024 ang pamilyang benepisyaryo ng 4Ps na inaayudahan ng gobyerno. Makatutulong talaga, huwag lang ipantaya sa bingo ng mga nanay at gamitin sa bisyo ng mga tatay.

Bukod sa mahigit na P6 trillion na utang natin sa ibang bansa, kinailangan na naman nating mangutang dahil said na ang kaban ng gobyerno sa pananalanta ng bagyo at iba’t ibang uri ng sakuna at pagkakasakit ng mamamayan.

Sana naman ay magtira pa ng konsensiya ang mga ibinoto nating mga opisyal ng gobyerno para hindi na ito pagnakawan at gamitin sa kanilang re-election sa 2025. Maawa na po kayo sa bayan natin!

Malaking bagay din kung makagagawa ng paraan ang Department of Education na maisulong ang “Effective Study at Home” program para sa mga high school students. Makakatipid sa gastos ang mga magulang at mababawasan ang tawag ng tukso at bisyo sa mga kabataan.

Paigtingin din ang programang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 at Integrated Sex Education sa high schools. Badly needed na ito!

Lumalala na ang bilang ng teen-age pragnancies at siguradong magiging karagdagang pasanin ng gobyerno sa darating na panahon. Totoo ‘yan!

EDUCATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with