^

Punto Mo

EDITORYAL - No joke!

Pang-masa
EDITORYAL - No joke!

PINADALHAN na ng NBI ng subpoena si Vice President Sara Duterte kaugnay sa sinabi nitong ipapapatay sina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez. Pagpapaliwanagin si Sara. Bukas (Biyernes) ang tinakdang araw para humarap si Sara sa NBI.

Sa press conference noong Sabado ng umaga, sinabi ni Sara, ‘“Wag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, pag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke. Nagbilin na ako, Ma’am. Pag namatay ako, ‘wag ka tumigil hanggang hindi mo mapapatay sila.”

Nang araw ding iyon, nagsalita si Marcos Jr. kaugnay sa mga sinabi ni Sara: “Nakakabahala ang mga pahayag na narinig natin nitong mga nakaraang araw. Nandiyan ang walang pakundangang pagmumura at ang pagbabanta ng planong ipapatay ang ilan sa atin. Kung ganun na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang Presidente, papaano pa kaya ang mga pangkaraniwan na mamamayan? Yang ganyang krimimal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas. ‘Yan ay aking papalagan.” 

Hindi ito ang unang pagbabanta ni Sara kay Marcos. Minsan sinabi niyang gustong pugutan ng ulo si Marcos. May kaugnayan umano sa nangyari noong Abril na graduation sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City. Isang nagtapos na kadete ang humiling umano kay Marcos na hingin ang relo nito bilang graduation gift. Pero tinanggihan daw ni Marcos ang hiling ng kadete. Gusto raw pugutin ni Sara ang ulo ni Marcos ng mga sandaling iyon. Naawa raw siya sa kadete na pinagtawanan pa raw ng dalawang katabi niya sa upuan. Toxic na raw ang samahan nila ni Marcos.

Ilang buwan na ang nakararaan, nagbitiw uli nang hindi magandang pananalita si Sara laban kay Marcos. Huhukayin daw niya ang bangkay ni dating President Ferdinand Marcos Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea. Gagawin daw niya ito kapag hindi siya tinigilan sa mga ginagawa sa kanya.

Hindi na biro ang binitiwang salita ni Sara. Seryosong banta na ito. Dapat siyang sampahan ng kaso. Kung ang mga karaniwang mamamayan na nagbibiro na may dala silang bomba ay agad sinasampahan ng kaso, dapat ganito rin ang gawin sa Vice President na lantarang sinabi na may kinausap na siyang papatay sa Presidente at dalawang iba pa. Kung hindi siya kakasuhan sa ginawang ito, tiyak na mauulit at baka mas malala pa ang gawin. Pagulungin ang batas.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with