100 pamahiin ng Americans para humaba ang buhay

1. Huwag tanggalin ang abo sa fireplace sa pagitan ng Christmas at New Year.

2. Huwag magpapatong ng walis sa ibabaw ng higaan.

3. Isara ang payong bago pumasok sa bahay.

4. Iwasang magwalis kapag lumubog na ang araw.

5. Huwag maglaba sa New Year.

6. Huwag magpapagpag ng table cloth sa gabi.

7. Huwag maglaba ng bandila.

8. Kapag nasira ang isang paa ng silya, itapon na ito.

9. Paalisin kaagad ang pusa kapag umaakyat ito sa ibabaw ng piano.

10. Iwasang magsabit ng basahan sa door knob.

11. Lalong iikli ang buhay ng maysakit kung wawalisin mo ang ilalim ng kanyang higaan. Punasan na lang ang ilalim kung talagang maalikabok na.

12.Huwag pagalawin ang rocking chair na walang nakaupo.

13. Hindi magandang magpa-extend ng kuwarto sa likuran ng bahay.

14. Hindi magandang magbutas ng dingding para lang makagawa ng panibagong bintana.

15. Huwag magpako sa gabi. Kung may papakuan ka, gawin ito sa umaga.

16. Huwag lilipat sa bahay na hindi pa kumpleto ang construction.

17. Kung magdidispley ng litrato ng asawa o karelasyon, kahit pabiro, huwag itong isabit nang pabaliktad.

18.Kung ang litrato ay nahulog mula sa pagkakasabit sa dingding, huwag na itong ibalik sa pagkakasabit.

19. Kapag nagtabas ng tela ng Biyernes, be sure na matatapos itong tahiin sa araw ding iyon.

20. Huwag dadalhin sa loob ng bahay ang balahibo ng peacock. Kabaliktaran ito sa Chinese belief na nagdidispley ng anim na piraso ng balahibo ng peacock sa West corner para datnan nang maraming pera. (Itutuloy)

Show comments