(PART 4)
ANG pag-aalaga ng kalapati ang tanging libangan ni Kuya Bong. Pakiramdam ko, kapag nakita niya ang mga alagang kalapati ay nawawala ang kanyang pagod sa pagtatrabaho. Kung minsan ay lingguhan ang uwi ni Kuya Bong kapag may nakukuha silang kontrata sa paggawa ng bahay. Siya ang electrician at tubero. Kung minsan ay may kontrata sila sa Batangas at Quezon.
Malaki ang kinikita ni Kuya Bong kaya tuluy-tuloy ang pag-aaral namin ni Tomas. Ako ay nasa unang taon na ng Commerce noon samantalang si Tomas ay second year engineering.
Kapag dumarating si Kuya Bong kung Sabado ay ang kanyang mga alagang kalapati ang unang kinukumusta.
“Kumusta ang mga kalapati, Ruel?’’ tanong sa akin.
“Okey naman Kuya.’”
“Hindi ba nababawasan ang mga inakay?’’
“Hindi Kuya.’’
“Wala nang pusa na kumakain ng itlog at inakay?”
“Wala na Kuya.”
“Mabuti naman.’’
Pagkatapos kumustahin ang mga kalapati, ang pag-aaral namin ni Tomas ang tinanong.
“Kumusta studies n’yo ni Tomas?’’
“Okey Kuya.’’
“Pagbutihan n’yo ha?’’
“Oo Kuya.”
(Itutuloy)