^

Punto Mo

EDITORYAL — ‘VIP’ treatment kay Quiboloy?

Pang-masa
EDITORYAL â âVIPâ treatment kay Quiboloy?

KAPAG maimpluwensiya at may pera ang bilanggo, maari niyang mapagaan ang buhay kahit nasa “loob”. Makagagawa siya ng mga paraan para makalabas sa kulungan at gawin ang anumang nais. Marami nang nangyaring ganito at maaring nangyayari pa rin sa kasalukuyan sa mga bilangguan sa bansa.

Napabalita noon na may mga Very Important Preso (VIP) sa New Bilibid Prisons. May mga “bigating” bilanggo na nakakapagpasok ng alak at nakapagdaraos ng concert sa loob. May VIP na nakakalabas ng kulungan at binibisita ang kanyang mga kompanya sa Makati.

Mayroon ding VIP sa Manila City Jail na nakalalabas para lang mag-casino. Ang bilanggo, isang babaing Chinese ay nahatulan dahil sa drug trafficking. Pero dahil may pera at maimpluwensiya, kayang-kaya niyang tapalan ang mga jailguards at jail officials para makalabas at makapag-casino.

Marami pang VIP na nagagawa ang lahat dahil sa kanilang impluwensiya at pagkakaroon ng pera. Lahat ay maaaring paikutin sa pamamagitan ng pera at mamuhay na parang nasa “laya”.

Si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy ay pinayagan ng  Pasig Regional Trial  Court na palawigin ang medical furlough hanggang  Nobyembre 27, 2024. Ayon sa korte, kailangan ang masusing medical examination kay Quiboloy dahil sa irregular heartbeat nito. Bukod dito, may problema rin daw sa ngipin ang pastor. Sinabi ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon, may mga medical test pang isasagawa sa kanyang kliyente. Hiniling na noon ng kampo ni Quiboloy na ma-hospital arrest ito subalit hindi pinayagan ng korte.

Una nang sinugod si Quiboloy sa Philippine Heart Center noong Nobyembre 12 nang makaramdam ng paninikip ng dibdib. Ayon sa PNP, dumaing ng paninikip ng dibdib at pagkahilo si Quiboloy noong Nobyembre 7 kaya nagsagawa ng medical examination ang PNP General Hospital. Saka siya isinugod sa PHC. Ibinalik siya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame noong Nobyembre 15. Hanggang pahintulutan nga ng Pasig Court ang kanyang medical furlough hanggang  Miyerkules (Nobyembre 27).

Naaresto si Quiboloy noong Setyembre 8, 2024 sa Davao City. Nahaharap siya sa mga kasong sexual abuse at human trafficking at may kinakaharap na kasong sexual trafficking sa United States.

Nakagugulat na magaan ang trato kay Quiboloy. Madali siyang naisusugod sa ospital at nalalapatan agad ng lunas.Taliwas ito sa iba pang mahihirap na bilanggo na namamatay sa kulungan na hindi naisasailalim sa medical examinations. Sadyang iba ang trato kapag “VIP”.

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with