Sikat na TikTok star gumawa ng higanteng iced coffee sa U.S.

NAGPASIKLAB muli ang YouTube at TikTok sensation na si Nick DiGiovanni matapos makapagtala ng panibagong Guinness World Record sa paggawa ng pinakama­laking iced latte sa buong mundo.

Sa pakikipagtulungan sa isang sikat na coffee and donut chain, nilikha ni Nick ang napakalaking inumin na umabot sa 1,044.92 liters ng kape. Ang daming ito ay sapat upang mapuno ang pitong bathtub.

Ipinakita ang higanteng kape sa Canton, Massachusetts gamit ang 1,200 pounds ng yelo, 3,200 shot ng espresso, at 100 galon ng gatas. Sa loob ng 24 hours, pinagtulung-tulungan itong timplahin ng 20 katao.

Matapos makumpirma na nakuha na nila ang world record title, pinagsalu-saluhan ito ng mga audience gamit ang gripo na nakakabit sa napakalaking tasa.

 

Show comments