Gen. Torre, pinalawak ang kampanya vs pekeng LPG!

FLASH report: Si VP Sara Duterte kaya ay isang alien? Sobrang tapang eh! Lumutang ba naman sa social media si Sara at sinagot ang lahat ng patutsada laban sa kanya, lalo na sa aspeto ng confidential funds. At higit sa lahat minura pa ang mga taong sa tingin n’ya ay nasa likod ng paggiba sa kanya. Like father, like daughter! Dahil hindi natitinag si Sara sa mga birada sa liderato n’ya sa Dep-Ed at OVP, abayyy pati personal niyang buhay ay inatake pa ng detractors n’ya. Noong una, ini-link si Sara sa basketball player na si John Amores, at ngayon naman ay sa OVP chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez. Ano ba ‘yan? Baka ang kasunod na birada ay alien na si Sara. Araguyyy! Sa totoo lang, habang patuloy na nagbabangayan ang mga lider natin, ang talo ay ang ekonomiya ng Pinas. Sino bang matinong investor kasi ang papasok sa Pinas kung, imbes na magtulungan, ay nagbabatuhan ng baho ang mga lider natin. Tsk tsk tsk! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

• • • • • •

Para makaiwas sa sunog at iba pang disgrasya ang mga Pinoy, pinalawak ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre lll ang kampanya laban sa mga kumakalat na pekeng LPG cylinder tanks. Open secret naman ‘yan mga kosa na maraming sunog, hindi lang sa Metro Manila, kundi maging sa probinsiya dahil sa pagputok ng mga pekeng LPG tanks. Ano ba nga ba? Kaya’t armado ng search warrant, nilusob ng mga tauhan ni Torre ang refilling station sa Marilao Industrial Compound sa Bgy. Mahabang Parang sa Sta. Maria, Bulacan at kinumpiska ang mga epektos na nagkakahalagang P5.7 milyon.

Sinabi ni Torre na itong mga illegal LPG refilling station ay malaking balakid sa negosyo ng mga legitimate na marketers at dealers dahil maibenta nila ang kanilang produkto sa mas mababang halaga. Get’s n’yo  mga kosa? Hindi lang ‘yan? Kapag ginamit ng pamilya itong pekeng LPG cylinder, malaki ang posibilidad  na sasabog ito dahil nga hindi nito natugunan ang tamang safety standards. Mismooo!

Kapag sumabog na ang pekeng LPG cylinder, tiyak magkakaroon ng sunog na kadalasan ay may Pinoy na nagbuwis ng buhay. Eh di wow! Alam n’yo naman mga kosa na kadalasan sa mga pamilyang Pinoy sa ngayon ay gumagamit ng LPG sa kanilang pagluluto at kapag sumingaw ito, abayyy mamalasin ka kapag malapit ka sa kinaroroonan nito. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Matapos matunugan ang refilling station sa Bulacan, kaagad nag-apply ng search warrant ang mga operatiba ni Torre sa sala ni Judhe Adonis Laure, ng Regional Trial Court  Branch 21 at kaagad na nai-serve ito kay alyas Olga, na nasa loob ng compound. Nakumpiska ang samu’t saring kagamitan at materyales sa pag-operate ng illegal LPG refilling station, tulad ng original, repainted at refilled Pryce Gas LPG cylinders, weighing scales, refilling hoses at machines, LPG pumps, compressors at storage tanks. Ayon kay Torre, aabot lahat-lahat ng nakumpiska nilang ebidensiya sa halagang P5,708, 455. Sanamagan! Ang sakit sa bangs nito, di ba mga kosa?

Ayon kay Torre, si Olga ay on-site checker ng kompanya. Wala ng iba pang empleado ang inaresto. Bakit kaya? “Wag muna kayo magduda mga kosa dahil hinahabol ng CIDG operatives ang iba pang suspects para kasuhan. Nanawagan si Torre sa may-ari o financiers ng illegal refilling station na sumuko na bago maging huli na ang lahat. Sana ‘wag kayo “manlaban” ha? Abangan!

Show comments