Mental health tips
Kung nararamdaman mong nagagalit ka sa lahat ng tao, kumain ka, baka gutom lang ‘yan.
Kung nararamdaman mo naman na lahat ng tao ay galit sa iyo, itulog mo lang ‘yan at baka nagdedeliryo ka lang sa antok.
Kung nagagalit ka sa sarili mo, maligo ka at baka init lang ng katawan iyan.
Kung natataranta ka na sa kaiisip ng mga problema mo, isulat mo ang mga bagay na ito isa-isa sa iyong journal.
Kung feeling restless, maglakad nang maglakad hanggang sa kumalma ang kalooban.
Mag-exercise araw-araw para mag-improve ang mood at energy level.
Kumunekta sa mga kaibigan at mahal sa buhay para sa suporta at tulong na may magpapalakas ng iyong loob.
Matulog ng pito o walong oras upang maging malinaw ang pag-iisip.
Kumain ng masustansiyang pagkain dahil ang iyong kinakain ay nakakaapekto sa iyong mood.
Limitahan ang screen time. Bawasan ang exposure sa social media para mabawasan ang pakiramdam na “loser” ka kumpara sa mga online friends na hindi mo alam ay pulos payabang lang ang ipinopost.
Ugaliing magpasalamat. Magpokus sa positive aspect ng iyong buhay upang magkaroon ng positive mindset.
Magkaroon ng hobbies na magdudulot sa iyo ng saya at relaxation.
Sanayin ang sarili na mag-ipon ng pera. Kung may ipon, feeling secured ka at nakakaligaya ito ng kalooban.
- Latest