‘Kalapati’ (1)
TATLO kaming magkakapatid na lalaki at ako ang bunso. Si Kuya Bong ang panganay at ang ikalawa ay si Tomas. Nang mamatay ang aming mga magulang, si Kuya Bong na ang tumayo na magulang. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya para mabuhay kaming mga kapatid niya. Sabi niya, pipilitin niyang makapagtapos kami ni Tomas ng pag-aaral.
Nakatapos lamang ng high school si Kuya Bong pero dahil madiskarte sa buhay, maayos niya kaming napag-aral ni Tomas. Marami siyang alam na trabaho —electrician, tubero, karpintero at mag-ayos ng electric fan at magmekaniko ng motor.
Kung paano natuto si Kuya Bong ng mga gawaing iyon ay hindi namin alam ni Tomas. Basta marami siyang alam na pagkakakitaan.
“Mag-aral kayong mabuti, Tomas at Ruel. Kailangang makatapos kayo ng karera. Kahit anong mangyari, magtatapos kayo. Gagawin n’yo ang sinabi ko, Tomas, Ruel!”
“Oo Kuya!” sabay na sagot namin ni Tomas.
Isa sa libangan ni Kuya Bong ay pag-aalaga ng kalapati—na kinamumuhian ko naman! (Itutuloy)
- Latest