^

Punto Mo

Masamang epekto ng eleksiyon sa ekonomiya

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

DAHIL sa dami ng mga kandidatong magpapakalat ng pera sa pangangampanya sa pagpasok ng 2025, siguradong tataas ang presyo ng mga bilihin dahil hindi babalanse ang produksiyon ng agricultural products mula sa sobrang perang iikot sa pamayanan.

Inflation po ang tawag diyan!

Haharap sa problema ang mga economic managers ni President Bongbong Marcos Jr. kung kaya kailangan ang kooperasyon ng mamamayan. Ganito ang nangyayari sa bansa natin tuwing matatapos ang eleksiyon dahil naging tradisyon na ng mga botante ang “mangalabit-penge” sa mga pulitiko.

Masama ang naging halimbawa ng kampanyang pera-pera sa pulitika sa mga kabataan dahil natatanim sa isip nila na kahit may kakayahang mamahala sa gobyerno ang isang mabuting tao ay hindi rin ito mananalo kung walang panggastos sa pangangampanya.

Nakalulungkot isipin na tanging mga kilalang pamilya ng pulitiko na lamang ang halos nag­hahari sa tuwing may eleksiyon gayung marami rin naman ang magagaling na propesyonal ang nag-aalok ng kanilang serbisyo.

Nakapanlulumong pagmasdan ang mga nakaupong senador na ibinoto ng mamamayan dahil lamang sa malakas na partidong kanilang kinabilangan. Karamihan sa mga nananalo ay kandi­dato ng nakaupong administrasyon dahil sariwa pa ang simpatya at may bahid liyamado sa laban. May artista pa nga na ewan nga ba! Di ba?

Mananagana na naman ang importers ng bigas at sasi-saring agricultural products dahil sa pinsalang dulot ng mga bagyo. Kikita na naman ang mga hoarders ng bigas, sibuyas at bawang na lalong magpapahirap sa ating maliliit na magsasaka. Karamihan sa kanila ay may alagang kongresman at senador. Tama ba?

Kinakapos na sa budget ang gobyerno dahil sa mga bagyo pero binabagyo pa rin tayo ng bilang ng mga abusadong pulitiko. Pork barrels pa more!

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with