LUMUTANG ang tatlong empleyado ng Vertex Technologies para isiwalat na scam talaga ang lakad ng kompanya na nasa loob ng 40-storey na Century Peak Tower sa Malate, Manila. Panay kasi deny to death ang management ng kompanya na ala-POGO ang operation nila kaya’t timing naman ang paglutang ng tatlo. Subalit nilinaw nina alias Anne, Nicole at Jay-R na hindi sila testigo ng PNP at kaya lang sila lumitaw ay dahil binabagabag na sila ng kanilang konsensiya. Araguyyyyy! Nakarating kasi sa kaalaman ng tatlo na may mga nabiktima ang POGO na nagpakamatay, ang iba naman ay nag-suffer ng depression dahil naubos o nalimas ang inipon nilang pitsa o di kaya’y nagkasangla-sangla ang mga ari-arian nila. Dipugaaaaa! Parang napanood ko lang sa Neflix na pelikulang “No more Bets” ah. Ano pa nga ba? Ang sakit sa bangs nito!
Si Anne ay nagtrabaho sa Vertex Tech. sa loob ng isang buwan samantalang sina Nicole at Jay-R naman ay dalawang buwan. Ang buong akala nila ay BPO o call center ang papasukan nilang trabaho, ‘yaon pala ay scam talaga. Hindi naman nagpalit ng pangalan ang Vertex Tech. dahil ang lahat ng dokumento na hawak nila ay may logo ng opisina. Eh di wow! Si Anne ay naka-assign sa United Kingdom samantalang sina Nicole at Jay-R naman ay sa European Union countries naka-pokus. Walandiyooooo! Teka nga pala, ang suweldo naman nila ay mula P30,000 hanggang P40,000, at may tip o bonus pa kapag lumagpas sila sa quotang pera na ipapasok sa kompanya. Siyempre, milyones ang dapat kikitain nila kada araw. Dipugaaaaa!
Sa pagpasok nila, ikinuwento ng tatlo kay kosang Gerry Baja, na isang linggo din silang napasailalim sa training bago sila isalang sa harap ng computer. Ang trainor nila ay ang nasa katabi nilang upuan. Tulad ng sa “No more Bets”, may nakahandang mga account ang kompanya para gamitin ng empleado nila para hikayatin ang prospective victim nila sa love scam o sa investment scam. Karamihan ay cryptocurrency ang gamit oa bayarin nila, anang tatlo. Sa unang sultada, hindi kaagad nakukuha ng tatlo ang quota nila at medyo pinapasensiyahan sila ng management. Kaya lang kapag hindi pa rin nila nakamtan ito sa mahabang panahon, matic na sibak sila. Ang masaklap lang, kapag foreigner ang hindi makakuha ng quota, abayyyyy tulad sa “No more Bets” pinaparusahan sila. Kaya pala may mga torture chambers ang mga POGO na nire-raid ni Usec. Gilbert Cruz ng PAOCC, eh ganun pala ‘yun? Mismooooo! Tama lang na ihinto ni President Bongbong Marcos itong POGO! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Patungkol naman sa pitsa, ang mga bossing lang nila ang nakakatanggap o nagtatago sa mga perang nakulimbat nila sa mga kliyente nila, anang tatlo. Ang maganda lang, hindi naman sumasalto ang kompanya sa bayad ng suweldo nila. Eh di wow! Itong raid sa Vertex Tech. ay naging ugat sa pagka-relieve kina NCRPO chief Maj. Gen. Sidney Hernia at ACG director Maj. Gen. Ronnie Arciaga. Ang tanong, makakabalik pa kaya sila sa dating puwesto nila? Baka sa linggong ito ang kasagutan. Sanamagan! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Anong sey mo PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil Sir? Abangan!