SI David Huggins ay 74-anyos nang isagawa ang interview noong 2018. Nakatira siya sa New Jersey U.S.A., isang painter, diborsiyado, walang sakit sa utak, maganda ang kalusugan na kahit simpleng sipon ay bihira niyang maranasan. Naungkat ang kanyang kalusugan dahil sinigurado ng mga taga-media na mag-iinterbyu sa kanya na wala siyang sakit sa utak, walang tililing, walang record ang pamilya na may nasiraan ng ulo o walang depresyon, hindi adik sa anumang drugs. Tungkol sa alien ang topic nila. Nais ng media na makatiyak na matino ang pag-iisip ni David, isang alien abductee.
Walong taon si David nang magpakita sa kanya ang kakaibang nilalang sa likod bahay nila: Matangkad ang nilalang, mga 7 feet pataas ang height, ang hitsura niya ay kagaya ng tao, mahaba ang buhok at boses babae kaya nasabi niya na babae ito, korteng trumpo ang mukha dahil matulis ang kanilang baba at malaki ang mata. Nagtatakbo siya patungo sa kanyang ama at ina. Isinumbong niyang may kakaibang nilalang siyang nakita. Pinagalitan lang siya at pinalo ng ama at ina. Hindi raw magandang ugali ang nag-iimbento ng istorya.
Sa pangalawang pagpapakita ng “kakaibang nilalang” na tinawag niyang alien noong binata na siya, nabanggit niya sa babae, “Pinalo ako ng aking ama dahil sinabi ko na nakita kita.”
“Kaya next time, huwag mo nang ipagsasabi kahit kanino na nakita mo ako,” sagot ng babaing may matang kasinglaki ng sa kabayo. Simula noon, wala na siyang pinagkuwentuhan tungkol sa alien kahit pa nagpatuloy sa matagal na panahon ang pakikipagkaibigan niya sa mga ito.
Akalain ba niyang mararanasan niya ang unang pakikipagtalik sa babaing alien na ang pakilala sa kanya ay “Cresent” ang pangalan. Mga 17-anyos siya nang magpakita sa kanya si Cresent na nakaupo sa malaking bato, minsang naglalakad siya sa gubat. Nagbatian sila. Biglang naghubad ang babae, tapos hinubaran siya. Humiga siya sa damuhan at umupo ang alien sa kanyang ibabaw. Ganoon lang kasimple ang pakikipag-sex sa kanila.
Ang pagkakaiba ng feeling: Mas warm ang vagina ng alien pero ang orgasm na nadama niya ay mas mahina. Mas matindi ang nadama niyang orgasm sa human wife niya. Kumbaga sa intensity ng lindol, mga 5 lang sa alien pero intensity 8 sa tao. Tatlong babaing alien daw ang naanakan niya. At ang isyung alien ang naging dahilan para idiborsiyo siya ng kanyang misis. May isa siyang 27-anyos na lalaking anak sa kanyang human wife.
Palibhasa ay artist, ang mga karanasan niya ay kanyang isinalin sa canvas. Alien ang theme ng kanyang naging solo exhibit sa Monroe Art Center. Hindi niya alam kung bakit siya ang napiling kaibiganin o “gamitin” ng mga alien ngunit okey lang ito sa kanya.
Patuloy pa rin ang pakikipagkomunikasyon niya sa mga alien as of 2018. Ano ang napala niya sa pakikipagkaibigan sa mga ito? Wala, maliban sa dalawang beses siyang iniligtas sa aksidente ng mga ito.