ANG mga siyentipiko mula sa University of New South Wales sa Australia ay naka-imbento ng isang paraan upang malaman kung sira na ang gatas gamit ang vibration motor ng mga smartphone.
Sa pamamagitan ng VibMilk, maaari nitong malaman kung panis ang gatas nang hindi binubuksan ang tetrapack nito.
Isa itong solusyon na maaaring makabawas sa milyun-milyong litrong nasasayang na gatas taun-taon.
Gumagamit ang VibMilk ng vibration motor ng smartphone at machine learning upang suriin ang mga pagbabago sa density, viscosity, at surface tension ng gatas habang ito’y nasisira.
Sa mga pagsubok, napatunayang 98.35 percent ang accuracy nito sa pagtukoy ng pH levels ng gatas, at 100 percent sa pagtukoy kung sariwa pa ito.
Layunin ng teknolohiyang ito na bigyan ang mga mamimili ng mas maaasahang paraan upang maiwasan ang pagsasayang ng pagkain habang pinoprotektahan din sila mula sa food poisoning.